Tuesday, April 09, 2019

Maging isang translator at kumita ng pera dito sa translatorscafe



Sa panahon ngayon mahirap ang kumita ng extrang pera online, dahil marami ang scam at puro networking pa, kaya naman may isheshare akong isang website na pwede nating mapakinabangan! Alam niyo ba na pwede nating pagkakitaan ang kaalaman natin sa lenggwaheng English at Filipino, ang kailangan mo lang gawin ay magsign up dito sa translators cafe.

Puwede ka maging translator o proofreader na usually tiyagaan lang ay kikita kana! Puwede ka rin mag apply sa mga translation agency kung batak ka talaga magtranslate. Maraming translation site ang nageexist pero pinakatrusted ko ang translatorscafe dahil since 2002 pa ang kanilang site at kumita na rin ako dito nang 20 minutes lang ang ginugol na oras, tumanggap ako ng 166 pesos (250 dapat yun kase $5 dollars ewan ko bakit nabawasan) pero okay na rin yang 166 nagperform lang naman ako ng Quality Control, meaning nag proofread ako sa halagang 5 dollars dahil naunahan na ako sa pagtatranslate.

Proof of paymennt

Ang ugly side lang dito ay hindi ganon karami ang pwedeng itranslate mostly ay foreign language to english ang available pero napakaraming translation site ang pwede mong pag applyan if passion mo talaga magtranslate, mag-ingat lang sa mga scam na clients. But again I recommend this site to everyone at paalala ko lang hindi ka yayaman dito. Ito ay isang extra income lamang, minsanan lang pero sulit kung mabayaran dahil sa dali ng gagawin. Kung gusto mo ng malakihang kita mas better kung build your profile first, mag aral ng mga language courses para mas magandang tingnan ang iyong resume sa pag apply sa mga translation jobs. Dahil more experience you have, more chances of getting the job.

At hindi lang siya basta translation site mayroon rin silang forum at mga job offers na sobrang dami kayo na mamili kung anong trabaho ang alam niyo rito.



Sana makita ko kayo sa translatorscafe guys dahil isa tong opportunity na hindi dapat palagpasin, Kung masyadong madalang ang job offer para sa Filipino o Tagalog. Try to search other sites sa google napakaraming translation site na pwede nating mapagkakitaan, Goodluck guys wish you all the best! Kung nagustuhan niyo ang aking Blog please share it with your friends guys :)


1 comment: